LALO pang bumaba ang approval rating ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., batay sa 2024 First Quarter Pahayag Survey ng Publicus Asia.
Kung ikukumpara sa 58% na resulta ng 2023 fourth quarter survey, bumaba ito ngayon ng 14 points.
Ibig sabihin, nasa 44% na lang ang approval rating ng Pangulo at ito na ang pinakamababa na nakuha ni PBBM simula nang siya ay maupo sa puwesto.
Samantala, si Vice President Sara Duterte ay nakakuha naman ng 53% mula sa kaparehong survey.
Kumpara sa 2023 fourth quarter result, 6% ang ibinaba ng approval rating ng Pangalawang Pangulo.