SA ikatlong linggo ay muling bumagsak ang approval rating ni President Yoon Suk Yeol sa gitna ng tumataas na presyo ng mga bilihin at bayarin sa bansa.
Sa poll na isinagawa sa 1,500 indibidwal ng Realmeter, ang positive assessment ng performance ni Yoon ay bumagsak sa 1.7 percentage points mula noong nakaraang linggo sa 37%.
Ang disapproval rating ni Yoon ay umabot na sa 59% na nadagdagan ng isang puntos sa kaparehong panahon ng isinagawang poll.
Ayon sa Realmeter, posibleng ang pagbagsak ng approval ratings ni Yoon ay dahil sa tumataas na halaga ng bilihin at bayarin ng kuryente sa bansa.
Ayon sa Statistics Korea, ang local monthly gas rates sa bansa ay umangat sa 34% noong nakaraang buwan.
Ang isinagawang poll ay mayroong margin of error na 2.5%.