NAGPASALAMAT ang mga student leader ng Saint Pedro Poveda College sa QC LGU’s sa pagtanggap sa kanila ni Quezon City Mayor Belmonte.
Ito ay matapos humarap sa mga student leader sa Saint Pedro Poveda College si Mayor Joy Belmonte.
Tinalakay at ibinahagi ni Belmonte ang kanyang naging karanasan at pananaw tungkol sa pagiging lider.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pakikiisa at teamwork, dahil hindi kakayanin ng lider na balikatin lahat kung wala siyang mga katuwang na miyembro ng iisang grupo.
Inaasahan ng alkalde sa kanyang pagharap sa mga estudyante ay meron silang natutunan sa kanyang ibinahaging karanasan sa pagiging lider ng Quezon City.
Ibinigay niyang halimbawa ang tagumpay ng lungsod sa pagbabakuna at pagbibigay ng bakuna noong pandemya, GROW QC at Task Force Sampaguita.