ISA sa mga best performing agencies ng gobyerno ang Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nananatiling mataas ang trust at approval rating ng Armed Forces of the Philippines mula sa isang survey para sa ikatlong bahagi ng taon.
Nagpasalamat ang pamunuan ng AFP sa publiko matapos makakuha ang ahensiya ng pinakamataas na trust at approval rating ngayong ikatlong quarter ng taon.
Ayon sa inilabas na survey ng Publicus Asia Inc. na “pahayag”, isa ang AFP sa maraming ahensiya ng pamahalaan na nakakuha ng magandang tugon mula sa publiko batay sa kanilang trabaho.
Mula sa 1,500 respondents o katumbas ng mahigit dalawandaang libong indibidwal na tumugon sa survey, nangunguna ang AFP bilang best performing agencies sa lahat ng ahensiya ng gobyerno sa bansa.
Sa kabila ng pandemiya, naniniwala ang AFP na natutugunan nila ang pangangailangan ng mga kababayan partikular na sa seguridad ng bansa.
“The AFP considers the result as manifestation of the people’s positive perception on the accomplishment of our mission. We pledge our sustained performance with emphasis on our core values of honor, service, and patriotism to ensure the accomplishment of our mandate to protect the people and the state,”ayon sa statement of the Armed Forces of the Philippines.
Limang taon bago ang pagtatapos ng Duterte administration, mababatid ang sunud sunod na modernisasyon ng sandatahang lakas ng Pilipinas.
Mula sa mga kagamitan, pasilidad at sweldo ng mga sundalo, naiparating ng pamahalaan ang mga programang pangseguridad sa bansa.
Samantala, nauna na ring inamin ng AFP ang magandang resulta ng laban ng pamahalaan kontra insurhensiya dahil sa tulong ng mga komunidad.
Sa katunayan anila, sa ilalim ng NTF-ELCAC napalakas pa nito ang kakayanan at abilidad ng kasundaluhan dahil sa sunud sunod na operasyon laban sa mga rebelde at mga nasa likod ng terorismo sa bansa.