Army Shooting Team, nag-uwi ng medalya sa katatapos lang na ASEAN Rifle Meet sa Thailand

Army Shooting Team, nag-uwi ng medalya sa katatapos lang na ASEAN Rifle Meet sa Thailand

MASAYANG nakapag-uwi ang Philippine Army Shooting Contingent (PASCON) ng medalya sa katatapos lang na 31st Association of South East Asian (ASEAN) Armies Rifle Meet (AARM) na inorganisa ng Royal Thai Army noong November 16-25, 2023 sa Infantry Center, Prachuap, Khiri Khan (Hua Hin), Thailand.

Batay sa datos, nakakuha ang Philippine Army ng kabuuang 12 gold, 7 silver at 6 bronze medals sa Individual and ASEAN Team Events.

Ilan sa mga sinalihan ng Pinoy contingents na kategorya ang Carbine (Individual), Rifle Match, Carbine Match, Machine Gun Match, Pistol Men Match, Pistol Ladies Match, Rifle Falling Plates, Carbine Falling Plates, Machine Gun Falling Plates, Pistol Men Falling Plates, at Pistol Ladies Match.

Ang AARM ay isang annual event na dinadaluhan ng ASEAN countries para itaguyod ang professionalism, sportsmanship, at friendly competition sa pagitan ng ASEAN Armies.

Follow SMNI NEWS on Twitter