UPANG mabawasan ang paggamit ng imported chemical fertilizer kung saan gumagastos ang bansa ng P10-B kada taon, muling nagbigay si Sen. Cynthia Villar ng composting facilities.
“The current global demand greatly affects the entry of fertilizer imports in our country. This caused limited local fertilizer supply that influenced the escalation of local prices,” giit ni Villar, Chairperson ng Senate Agriculture and Food Committee.
Aniya, nasira ng Super Typhoon Ondoy ang nag-iisang gawaan ng ating fertilizer na nasa Leyte.
Naglalaan si Villar ng taunang pambili ng composting facilities na ipinamimigay sa buong bansa ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM), attached agency ng Department of Agriculture.
“Aside from the huge savings, a composting facility can help reduces the volume of trash thrown in dumpsites,” ani Villar sa turn-over at launching ng paggamit ng tatlong composting facilities sa Brgy. Zapote 5, Bacoor City, Cavite, noong Sabado, Nobyembre 25.
“A composting facility turns bio-degradable wastes like kitchen wastes into organic fertilizer. Each composter can produce one ton organic fertilizer per month,” ayon kay Villar.
Binigyan ng senador ang kaniyang home city— ang Las Piñas ng 89 composting facilities kung saan nabawasan ang gastos ng local government sa waste disposal at nakatipid pa ng P300-M kada taon.
Nanawagan si Villar sa publiko na samahan siya sa kaniyang adhikaing isang malinis at malusog na kapaligiran kasabay ng pagbibigay ng hanapbuhay sa ating mga kababayan at savings sa ating bansa.