Asawa ni Abby Choi, mahaharap pa sa mas maraming kaso

Asawa ni Abby Choi, mahaharap pa sa mas maraming kaso

MAHAHARAP sa mas marami pang kaso si Alex Kwong, ang itinuturong suspek sa brutal na pagkamatay ng asawa nitong model na si Abby Choi.

Ayon sa ulat, ang karagdagang mga kaso na ihahain laban kay Kwong ay may kaugnayan sa kaniyang umano’y pagkakasangkot sa isang nakawan noong taong 2015.

Aabot sa 39 na kwintas; 32 bracelets; 13 gold bars; 102 gold grains; 6 na pendants; at 10 gramo ng gold ang kaniyang nanakaw.

Nakatakas pa sa kasong ito si Kwong noong 2015 subalit naaresto ito nang nagtangka naman siyang tumakas noong February 2023 kaugnay na sa pagkamatay ng kaniyang asawa.

Sa kabilang banda, hinggil sa Abby Choi case, inaresto si Kwong, ang kaniyang ama, nakatatandang lalaking kapatid at ina dahil sa pagkamatay ng model.

Sinasabing ang mga labi ng model na si Choi ay nadiskubre sa isang bahay na ginagamit bilang butchery site.

Ang bungo na nakita sa isang malaking soup pot at ang dalawang paa na nakalagay at itinago sa isang refrigerator sa nabanggit na butchery site ay nakumpirmang kay Choi matapos nagsagawa ng DNA test.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter