ASEAN dapat magkaisa –PBBM

ASEAN dapat magkaisa –PBBM

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na magkaisa sa pagtugon sa mga hamon na kinakaharap ng bawat bansa.

Ibinahagi ni Pangulong Marcos sa 40th ASEAN Summit sa Cambodia na kailangan ipatupad ang ASEAN Centrality o ang Role of the 10 Member Regional Bloc para matiyak ang security and power sa mga estado.

Nanawagan din ang Punong Ehekutibo sa Myanmar na sundin at ipatupad sa kanilang bansa ang Five – Point Consensus para tuluyan nang patalsikin ang gobyerno ni Aung San Suu Kyi na nagdudulot ng kaguluhan sa bansa.

Nakipagpulong din si Pangulong Marcos sa Prime Minister Pham Minh Chinh at iba pang mga leader ng bansa para talakayin ang defense, trade, investment, agriculture at maritime security ng mga nasabing bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter