MARIING kinondena ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang military air strike sa isang bayan sa Myanmar na naiulat na nagdulot sa pagkasawi ng 100 katao kabilang ang mga sibilyan.
Ang pag-atake sa Sagaing Area ang isa sa pinakamalalang military air attack sa Myanmar kung saan naiulat na pati mga bata ay nasawi.
Matatandaan na ang Myanmar ay nagkakagulo na mula noong military coup taong 2021 na nagwakas din sa demokratikong reporma roon.
Naging madugo naman ang mga kilos-protesta roon kasunod ng pagpigil ng junta sa mga demonstrador.
Taong 2021 ay nagkaroon na ng peace plan ang ASEAN sa junta pero patuloy na nadidismaya ang mga miyembro nito dahil sa patuloy na pag-atake na ginagawa ng junta.
Ayon naman sa isang spokesperson ng junta, ang pag-atake noong Martes ay target ang seremonya na ginawa ng national unity government na idineklarang terorista sa bansa.