ASF, nanatili pa ring banta sa livestock industry ayon sa DA

ASF, nanatili pa ring banta sa livestock industry ayon sa DA

AMINADO ang Department of Agriculture (DA) na nananatili pa ring banta sa livestock industry ang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Ito ang binigyang-diin ni DA Assistant Secretary for Operations Arnel de Mesa dahil sa patuloy na pagkalat ng sakit partikular sa mga lalawigan ng Aklan, Antique, Negros Oreintal at Negros Occidental sa Visayas Region.

Gayunpaman, inaaksyunan na ito ng ahensya sa pamamagitan ng paghahanap ng epektibong bakuna kontra ASF.

Kamakailan ay kinumpirma ng ahensya ang naging matagumpay na clinical trial ng ASF vaccine na gawa sa Vietnam.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ng DA ang Certificate of Product Registration (CPR) para mabili na ang Anti-ASF Vaccine na gawa sa Vietnam.

Matatandaan, nasa 600,000 doses ng Anti-ASF Vaccine ang ilalaan ng Vietnam para sa Pilipinas ngayong taon.

Matatanggap lang aniya ito sa maglabas ang Food and Drugs Administration (FDA) ng CPR.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter