NAKATANGGAP ng P300,000 cash incentives mula sa lokal na pamahalaan ng Camarines Sur si Jiu Jitsu fighter Annie Ramirez.
Si Ramirez ay nanalo ng gold medal sa 19th Asian Games kamakailan lang na isinagawa sa Hangzhou, China.
Sa kaniyang Instagram post, masayang ipinakita ni Ramirez ang ginawang pagkilala ng Camarines Sur province sa karangalan na kaniyang dinala sa Pilipinas.