Astra Pimentel-Naik: BBM sinungaling

Astra Pimentel-Naik: BBM sinungaling

BINIGYANG-diin ni Astra Pimentel-Naik ng PDP-Laban na sinungaling si Pangulong Bongbong Marcos kaniyang mga sinasabi.

Ito ang kaniyang mensahe sa ika-5 araw ng 7-day Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally sa Liwasang Bonifacio, Maynila ngayong gabi ng Marso 10, 2024.

Binigyan-diin ni Naik ang lupain ng bansang Pilipinas kung saan sinabi aniya ni Bongbong Marcos na ‘I will not give even a square inch of our land to the foreigners.’

Ngunit sinungaling aniya ang pangulo sa sinasabi nito na wala siyang ibibigay na lupa.

Wika nito, ano ba ang nilalaman na gusto nila sa pagbabago sa konstitusyon na isinusulong

Magbibigay umano ito ng karapatan sa mga dayuhan na magmamay-ari ng lupain sa Pilipinas.

Makabubuti umano sa Pilipinas ang economic provision ngunit paano ba nakakabuti kung ang lupain ay gusto nilang kamkamin.

Dagdag pa ni Naik karapatan nating mga Pilipino na singilin ang pangulo sa kaniyang mga ipinangako.

Kahit aniya hearing sa smuggling ay wala na rin dahil ang gusto aniya ng gobyerno ay ang hearing kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Samantala, nasaan aniya ang mga taga-media, dapat aniyang lahat ng mga ito ay nasa Liwasang Bonifacio ngayon.

Dahil aniya ang ginagawa nila sa SMNI ay testing ground ng mga politiko upang bubusalan ang mga media.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter