TUTUNGO ngayong hapon si Reina Mercedes, Isabela Vice Mayor-elect Atty. Harold Respicio sa Korte Suprema para maghain ng petisyon laban kay COMELEC Chairman Atty. George Garcia.
Bahagi ng kaniyang petisyon ang hiling na ma-disbar o mawalan ng lisensiya sa pagka-abogado ang COMELEC Chief.
Hihiling din ito sa Kataas-Taasang Hukuman na maimbestigahan si Garcia at ideklara na may nagawa itong grave abuse of discretion.
Alegasyon ni Respicio, gumamit ang COMELEC ng hindi awtorisadong election software at idinaan ang resulta ng halalan sa pamamagitan ng intermediary server.
Mayroon ding bribery allegation si Respicio laban sa komisyon.