NANININDIGAN si Senatorial Aspirant Atty. Jimmy Bondoc na kahit anong kulay sa politika, hindi dapat sang-ayunan ang panghihimasok ng ICC at walang ibang kulay na maglilitis sa kapwa nating Pilipino.
“Isang malakas na “hindi,” at ako ay naghihikayat sa kapwa ko Pilipino na, kahit anuman po ang kulay niyo sa politika, hindi niyo dapat sang-ayunan ang panghihimasok ng International Criminal Court.
Nakita po natin na, kahit ang isa pong napakagandang adhikain ng isang international court, ay maaaring maging politicized.
Sila po ay pumapasok dito kahit walang jurisdiction, at kung minsan, kung sino pa ‘yung mga bayani ng ating bayan-‘yun pa ‘yung kanilang napagbabantaan ng pagkakakulong.Kung mayroong International Criminal Court, siguraduhin muna natin ang primacy ng domestic judicial at prosecutorial system ng Pilipinas. Hangga’t gumagana ‘yan, ipaglaban natin na walang papasok dito na walang ibang kulay na maglilitis sa kapwa nating Pilipino,”ayon kay Atty. Jimmy Bondoc, Senatorial Aspirant.
Follow SMNI News on Rumble