Atty. Roque, ipinaliwanag ang dahilan bakit tinitingala ng Pilipinas ang US

Atty. Roque, ipinaliwanag ang dahilan bakit tinitingala ng Pilipinas ang US

EDUKASYON ang dahilan kung bakit tinitingala ng mga Pilipino ang Estados Unidos at hindi ‘proud’ bilang Asyano.

Ito ang pahayag ni dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque sa kaniyang programa sa SMNI News.

Ayon pa kay Roque, sinakop ng Estados Unidos ang Pilipinas sa pamamagitan ng edukasyon.

Sa panig naman ng China, sinabi ni Roque na kailanman ay hindi sinakop nito ang Pilipinas.

Matatandaan na maging si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nagpahayag sa kaniyang programang ‘Gikan sa Masa, Para sa Masa’ sa SMNI na hindi nito alam kung sinsero ang Estados Unidos na tumulong sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter