Atty. Topacio, wala pang natatanggap na subpoena laban sa kaniyang kliyente

Atty. Topacio, wala pang natatanggap na subpoena laban sa kaniyang kliyente

NILINAW ngayon ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Negros Oriental Congressman Arnolfo ‘Arnie’ Teves, Jr. na ilang linggo na ang nakalilipas at wala pa silang natanggap na subpoena laban sa kaniyang kliyente.

Sinabi ni Topacio, ang kasong reklamo ay isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) sa  nadiskubre na ilegal na iba’t ibang uri ng baril na umano’y ginamit sa pagpatay kay Governor Roel Degamo.

Matatandaang ibinintang kay Cong. Teves ang pagpatay kay Gov. Degamo.

Sa isang zoom audio, sinabi ni Teves, kaya humihina at nagbaliktaran ang mga witness sa kaso laban sa kaniya dahil alam niya puro kasinungalingan ang mga kaso na isinampa laban sa kaniya kaya hindi ito uusad.

Sa isang pulong balitaan sa Pandesal  Forum, sa lungsod ng Quezon mula sa zoom audio, kapag may parehas na pandinig sa kaso dapat ay balanse at lumabas ang katotohanan, ay saka na siya magpaplano na   babalik sa bansa.

Hinamon din nito si DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla na patunayan niya ang mga akusasyon laban sa kaniya at hindi kasinungalingan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter