INIHAYAG ng Commission on Elections (COMELEC) na maghahain sila ng apela kasunod ng pagpabor ng Court of Tax Appeals (CTA) Division sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Matatandaang nagpadala ng demand letter ang BIR sa komisyon kung saan pinagbabayad nito ng mahigit P1-B ang COMELEC dahil sa deficiency nito sa withholding tax, kabilang ang interes para sa 2015.
Ang demand letter ng BIR ay una nang pinalagan ng COMELEC.
Ang CTA sa kanilang 22 pahinang desisyon ay inatasan ang COMELEC na bayaran ang BIR.
Ayon kay COMELEC spokesperson Atty. Rex Laudiangco, maghahain sila ng Motion for Reconsideration (MR) sa naturang desisyon bilang legal remedy sa ilalim ng CTA Rules and Procedures.