Australia, New Zealand, hahakutin ang kanilang mamamayan mula sa kaguluhan sa New Caledonia

Australia, New Zealand, hahakutin ang kanilang mamamayan mula sa kaguluhan sa New Caledonia

NAGPADALA ng mga eroplano ang pamahalaan ng Australia at New Zealand papuntang New Caledonia sa France.

Ayon kay Australian Foreign Minister Penny Wong, binigyan sila ng clearance ng French government na magsagawa ng dalawang flights para mailikas ang kanilang mga mamamayan at mga turista doon.

Tinatayang nasa 300 Australians ang kasalukuyang nasa New Caledonia.

Para sa New Zealand, nasa 50 naman ang kanilang mamamayang ililikas.

Nasa anim na ang nasawi at ilang daan ang sugatan simula nang mag-umpisa ang kaguluhan sa New Caledonia noong nakaraang linggo.

Nangyari ang kaguluhan matapos suportahan ng French National Assembly ang isinusulong na pagbabago sa voting rolls.

Para sa mga opisyal ng katutubong Kanak, isang tribu sa New Caledonia, ang mga pagbabago ay magpapahina sa kanilang mga boto.

Follow SMNI NEWS on Twitter