Azkals na si Stephan Schrock, nagbabalik sa koponan

Azkals na si Stephan Schrock, nagbabalik sa koponan

NAGBABALIK sa Philippine Azkals ang dati na nilang national team standout na si Stephan Schrock.

Magsisilbing coach ng Azkals si Schrock kasama si Barae Jrondi para sa West Asia Training Camp ng Azkals sa Kuwait at Qatar ngayong Marso.

Ayon kay Jrondi, ninanais niyang kunin ang mga estratehiya at techniques ng dating team standout kaya ibinalik ito sa koponan.

Sa March 24, 2023 ay magkakaroon ng laro ang Azkals at makakalaban nila rito ang bansang Kuwait.

Sa March 28 ay makakalaban naman ng Azkals ang bansang Jordan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter