Babaeng wanted sa kasong illegal recruitment, nahuli ng CIDG

Babaeng wanted sa kasong illegal recruitment, nahuli ng CIDG

ARESTADO ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang no. 3 most wanted person sa Batangas dahil sa kasong illegal recruitment.

Kinilala ni PNP CIDG Director Police Brigadier General Romeo Caramat Jr. ang akusado na si Arjean Tejero.

Ang paghuli kay Tejero ay sa pamamagitan ng warrant of arrest na ibinaba ng Regional Trial Court Branch 23 sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, kung saan walang inirekomendang piyansa.

Matapos nito, dinala ang akusado sa CIDG Regional Field Unit 4A para sa documentation at proper disposition.

Pinaalalahanan ni Brigadier General Caramat ang publiko na maging mapanuri at huwag magtiwala sa mga nag-aalok o tumutulong para makakuha ng trabaho o makapunta sa ibang bansa nang walang legal na dokumento at hindi dumaan sa tamang proseso.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter