Baekhyun ng EXO, bibisita sa Pilipinas para sa isang K-pop music event

Baekhyun ng EXO, bibisita sa Pilipinas para sa isang K-pop music event

KASAMA sa tutungo ngayong June 11, 2023 para sa Overpass: K-pop music concert sa Araneta Coliseum si Baekhyun ng EXO.

Sa naturang event, tanging si Baekhyun pa lang ang inanunsiyo na pupunta sa bansa.

Maliban kay Baekhyun, nauna na ring inanunsiyo na ang kapwa nitong EXO members na sina Chanyeol at Sehun ay tutungo rin sa Manila ngayong May 20 sa Araneta Coliseum pa rin para sa hiwalay na fan meeting.

Mapapansing ngayong taon ay sunud-sunod ang pagdagsa ng K-pop fan meets at concerts sa bansa.

Ngayong April 11 ay kasama sa Ultimate Pop Universe-K-Verse Concert sa Araneta Coliseum si Taeyeon ng Girls’ Generation at ang K-pop girl group na Aespa.

April 28 naman ay bibisita ang singer-actor na si Kim Hyun-joong, ang isa sa mga bumida ng highly-popular K-drama na “Boy Over Flowers” at naging miyembro ng boy band na SS501.

Sa Metrotent sa Pasig City ang magiging venue ng kaniyang concert.

April 29 hanggang 30 ay naka-schedule ang K-pop boy group na NCT Dream para sa kanilang 2-night concert sa MOA Arena.

Ngayong June 17 ay ang singer-songwriter na si Woodz; habang June 30 ang K-pop girl group na NMIXX.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter