Dagsa na sa mga taong bumibisita ang Bagbag Public Cemetery sa Quezon City para sa paggunita ng Undas, ngayong araw, Nobyembre 1.
Kanya-kanya sila sa paglilinis at pagtitirik ng kandila para sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Ayon sa pamunuan ng Bagbag Public Cemetery as of 7:00am ay umabot na sa 3,000 ang bisita sa naturang sementeryo.