INIULAT ng Center for Disease Control and Prevention (CDC) ang isang bagong variant ng COVID-19 na XBB.1.5 na tumataas at responsable para sa karamihan ng impeksyon ngayong Bagong Taon.
Ang strain, na kilala bilang XBB.1.5, ay nasa halos 41% ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong bansa, ayon sa data mula sa CDC.
Ang mutation ng XBB ay may nakababahalang bilis sa nakalipas na linggo dahil ito ay tumalon mula sa 21% noong bisperas ng Pasko, hanggang 40% pagdating ng Bagong Taon.
Ang bagong variant na ito ay kumalat nang husto mula noong Nobyembre 26.
Ayon kay Dr. Barbara Mahon, direktor ng Proposed Coronavirus and other Respiratory Viruses Division Health ng CDC, tinatantsa ng mga eksperto na ang XBB.1.5 ay tataas at kakalat sa lahat ng rehiyon ng bansa.
Ang mga awtoridad sa pampublikong kalusugan ay patuloy na hinihikayat ang ligtas na pakikipag-ugnayan sa mga tao dahil sa tumataas na mga pagpapaospital dahil sa COVID-19 simula pa noong Nobyembre.
Inirerekomenda pa rin ng CDC ang pagpapabakuna ng COVID booster shot bilang isang hakbang sa pag-iwas lalo na’t 60% ng bansa ay nasa ilalim pa rin ng malubhang kondisyon ng taglamig.