Bagong hired na mga abogado sa PAO, nanumpa na

Bagong hired na mga abogado sa PAO, nanumpa na

NANUMPA na sa tungkulin ang 89 na mga bagong dagdag na mga abogado sa ilalim ng Public Attorney’s Office (PAO).

Mismong si PAO chief Persida Acosta ang nanguna sa pagtanggap ng mga bagong public servant na kinuha.

Ang 89 na mga bagong public attorneys ay mula sa 386 na mga aplikante na sumalang sa tatlong araw na orientation.

Kaugnay rito, hinamon ni Acosta ang mga bagong abogado ng PAO na unahin ang pagtulong sa mga mahihirap na Pilipino na walang kakayahan na kumuha ng mga pribadong abogado.

Dapat din aniya mangibabaw ang serbisyo at hindi ang pansariling interes para kumita o magpayaman sa puwesto.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter