Bagong Indonesian President, ipinanawagang silipin muli ang kaso ni Mary Jane Veloso

Bagong Indonesian President, ipinanawagang silipin muli ang kaso ni Mary Jane Veloso

IPINANAWAGAN ng OFW Party-list na silipin ng bagong Indonesian President ang hinggil sa kaso ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Mary Jane Veloso.

Si Veloso ay kasalukuyang nasa Indonesia at hinatulan ng parusang kamatayan dahil sa kasong drug trafficking noong taong 2010.

Sa pahayag ng party-list, sana’y mapakinggan ng bagong pangulo na si Prabowo Subianto ang panig ni Veloso kung ano ba ang dahilan at tunay na pangyayari.

Enero ngayong taon ay nagpadala ng liham ang pamilya ni Veloso kay dating Indonesian President Joko Widodo na naglalaman ng hiling nitong mapalaya ang OFW.

Subalit matatandaan na noong 2015 ay ipinagpaliban na ang parusang bitay para sa kaniya kaugnay sa anggulong biktima ng human trafficking sa OFW.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble