Bagong iReport app ng PNP, ilulunsad ngayong Hulyo

Bagong iReport app ng PNP, ilulunsad ngayong Hulyo

NAKATAKDANG ilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang isang bagong application na makatutulong na mapababa pa ang bilang ng kriminalidad sa bansa.

Sa ilalim ng iReport app, madaling maipararating ng publiko ang kanilang reklamo, hinaing at krimen na nakita sa paligid gamit ang cellphone.

Ayon sa panayam ng media araw ng Martes Hulyo 18, 2023 kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, hindi kailangan ng data o internet connection ang pagpapadala ng reklamo para maiwasang maging abala ito sa publiko.

Ang programang ito ay bunga ng pakikipagtulungan ng PNP sa Department of Information Communications Technology at PNP Directorate for Intelligence and  Detective Management.

Sa ngayon patuloy ang pag-aaral ng Philippine National Police sa mga proyekto na makatutulong sa pagsugpo ng kriminalidad sa bansa gaya ng pagkakaroon ng unified hotline sa buong bansa para mabilis na maiparating ang mga reklamo sa mga kinauukulan.

Follow SMNI NEWS on Twitter