KABILANG sa nanumpa na sa tungkulin ang bagong mamumuno sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang mass oathtaking ceremony ng ilang opisyal na nanumpang magsilbi sa bansa.
Ginanap ang seremonya sa Palasyo ng Malacañang nitong Hulyo 3.
Nanumpa kay Pangulong Marcos ang bagong mamumuno sa BSP na si Governor Eli Remolona at ang itinalagang muli na kalihim ng OPAPRU na si Secretary Carlito Galvez, Jr.
Kasama rin sa naturang oathtaking sina Asec. David Angelo Vargas, Assistant General Manager for Operations ng Metropolitan Manila Development Authority at Atty. Vener Baquiran na bagong deputy commissioner ng Bureau of Customs.