COVID-19 cases ngayong linggo sa buong bansa, mas mababa ng 20%

COVID-19 cases ngayong linggo sa buong bansa, mas mababa ng 20%

NAKAPAGTALA ang bansa ng 2,747 ng bagong kaso ng COVID-19 mula Hunyo 26 – Hulyo 2, 2023.

Ito ay batay sa latest case bulletin ng Department of Health (DOH).

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 392.

Ayon sa DOH, ang mga bagong COVID-19 cases ay mas mababa ng 20% sa naitala noong Hunyo 19 – 25, 2023.

Sa mga bagong kaso, 32 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter