Bagong overhaul na bagon ng MRT-3, umabot na sa 67

Bagong overhaul na bagon ng MRT-3, umabot na sa 67

UMABOT na sa 67 ang bilang ng mga na-overhaul na light rail vehicles o bagon ng Metro Rail Transit-3 na tumatakbo sa mainline.

Ito ay matapos madagdagan ng isa pa nitong Oktubre 28, 2022.

Sa kabuuan, 5 na lamang sa 72 mga bagon ng MRT-3 ang kailangang i-overhaul bilang bahagi ng maintenance program ng mga ito.

Mabilis at maginhawa naman ang biyahe sa mga bagong overhaul na bagon na dumaraan din sa serye ng mga quality at speed checks upang masigurong ligtas gamitin.

Bawat bagon ay kayang magsakay ng 124 na pasahero o 372 na pasahero kada train set.

Ang overhauling ng mga bagon ng MRT-3 ay pinamamahalaan ng maintenance provider ng linya na Sumitomo-MHI-TESP.

 

Follow SMNI News on Twitter