Bagong pamamalakad, dahilan kung bakit marami ang gustong tumakas sa Bilibid –BuCor

Bagong pamamalakad, dahilan kung bakit marami ang gustong tumakas sa Bilibid –BuCor

DUMARAMI umano ang nagtatangkang tumakas sa New Bilibid Prison dahil sa mahigpit na pamamalakad at istriktong pagpapatupad ng mga batas sa loob ng piitan.

Maliban sa nakaraang tumakas na mga person deprived of liberty (PDLs), marami pa rin natatanggap na impormasiyon ang Bureau of Corrections (BuCor) sa Bilibid ukol sa planong pagpuga ng ilang inmates sa Maximum Security Compound.

Kilala ang New Bilibid Prison sa Muntinlupa bilang piitan ng mga convicted high profile inmates, kung saan nakakulong ang mga drug lords at iba pang indibidwal na nakagawa ng mga karumaldumal na krimen.

Kung matatandaan, minsan naring ginamit ng mga drug lords ang Bilibid sa kanilang transaksiyon ng iligal na droga kung saan mismo sa loob natagpuan ang daan daang kilo ng shabu.

Isang marangyang buhay rin ang tinatamasa ng mga drug lords kung saan mayroon sariling Jacuzzi, stripper bar at iba pang pangangailangan nito na hindi nararapat gawin sa loob ng piitan.

Kaya naman, sa pag-upo ng kasalukuyang administrasyon, malaking pagbabago ang nangyari sa loob ng Bilibid lalo na’t ng maupo bilang Bureau of Corrections Chief si General Gerald Bantag.

Bagay na hindi nagustuhan ng marami sa mga inmates, at posibleng dahilan sa pagpuga ng mga ito.

Samantala, isa rin sa problema kung bakit kailangang ilipat na ng kulungan ang mga preso ay dahil sa sapat na kaalaman sa bawat sulok ng Bilibid.

Follow SMNI News on Twitter