Baguio City, Malaybalay, at iba pang lugar naranasan ang malamig na temperatura; Zamboanga City may pinakamataas na init

Baguio City, Malaybalay, at iba pang lugar naranasan ang malamig na temperatura; Zamboanga City may pinakamataas na init

NASA 15.0 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City nitong Lunes, Enero 20, 2025.

19.0 degrees Celsius naman sa Malaybalay, Bukidnon ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa Itbayat, Batanes ay nasa 19.3 degrees Celsius; tig-20.3 degrees Celsius sa Abucay, Bataan at Tanay, Rizal; at 20.4 degrees Celsius sa Casiguran, Aurora.

Nakapagtala rin ng malamig na temperatura sa ilang bahagi ng Coron, Palawan; Sinait, Ilocos Sur; Calayan, Cagayan; at San Jose, Occidental Mindoro.

Sa pahayag ng PAGASA, maaaring lumamig pa ang panahong dala ng amihan sa susunod na mga araw.

Sa kabilang banda, ang Zamboanga City ang may pinakamataas na temperatura kung saan nakapagtala dito ng 34.6 degrees Celsius.

Sinundan ng Coron, Palawan na may 33.4 degrees Celsius at Puerto Princesa City, Palawan na may 33.0 degrees Celsius.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter