“Bakuna Eskwela” ng DOH, DepEd, magsisimula ngayong araw

“Bakuna Eskwela” ng DOH, DepEd, magsisimula ngayong araw

MAGSISIMULA na ang “Bakuna Eskwela” ng Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) ngayong araw, Oktubre 7, 2024.

Ang kick-off event ay isasagawa sa Dr. A Albert Elementary School sa Sampaloc, Manila.

Sa paglilinaw ng DOH at DepEd, ang “Bakuna Eskwela” ay isang school-based immunization program na naglalayong protektahan ang mga mag-aaral laban sa measles, rubella, tetanus, diphtheria, at (Human Papillomavirus) HPV.

Partikular na kasama sa babakunahan ang mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 7.

Orihinal na sinimulan ang programa noong taong 2015 at isinasagawa bawat Agosto ng taon ngunit nahinto ito noong COVID pandemic.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble