Balik-eskwela, ‘di dapat maapektuhan sa gusot ng Makati at Taguig—DILG

Balik-eskwela, ‘di dapat maapektuhan sa gusot ng Makati at Taguig—DILG

IGINIIT ni Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. na hindi dapat maapektuhan ng gusot sa pagitan ng lungsod ng Makati at Taguig ang mga estudyante.

Ito ay kasunod ng pagbubukas ng klase, kung saan 14 na pampublikong elementarya at high school na dating nasa ilalim ng Department of Education (DepEd) Division ng Makati ang maililipat na sa DepEd Division ng Taguig at Pateros.

Ayon kay Abalos, mainam kung isasantabi ng kaniya-kaniyang local government units (LGUs) ang ibang usapin at ipagpatuloy ang serbisyo sa mga residente.

Sinabi ni Abalos na bumuo na sila ng transition committee para sa maayos na paglilipat sa mga istasyon ng pulisya at bumbero sa lugar.

Nais matiyak ng DILG ang peace and order situation para na rin sa kaligtasan at kapakanan ng publiko.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble