Bangayan ng mga Commissioner sa Comelec, nakasisira sa kanilang reputasyon- Political Analyst

Bangayan ng mga Commissioner sa Comelec, nakasisira sa kanilang reputasyon- Political Analyst

MAS-LALONG nakakasira sa reputasyon ng Commission on Elections (Comelec) ang nangyayaring bangayan ng mga Commissioner.

Ayon ito kay Professor at Political Analyst Anna Malindog-Uy sa panayam ng SMNI news.

Aniya, napaka-unprofessional at unethical ang ginawa ni Commissioner Rowena Guanzon hinggil sa disqualification cases ni Bongbong Marcos.

Hindi rin maintindihan ni Malindog-Uy kung ano ang motibo ni Guanzon lalo na sa pagsasabing may namamagitang senador upang impluwensiyahan ang ilalabas na desisyon sa kandidatura ni BBM.

Nakakadagdag din aniya ito ng stress sa dinadala ng mamamayang Pilipino.

Punto pa ni Malindog-Uy, may karapatan ang ponente na si Comm. Aimee Ferolino na pagtuunan at busisiin ng maayos ang mga petisyon.

SMNI NEWS