Bangka na ginamit ng 3 nasawing Pinoy fishermen sa Bajo de Masinloc, nakuha na ng PCG

Bangka na ginamit ng 3 nasawing Pinoy fishermen sa Bajo de Masinloc, nakuha na ng PCG

NAKUHA na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang bangka na ginamit ng tatlong nasawing Pinoy fishermen sa Bajo de Masinloc.

Pinangunahan ang salvage operation ng MTUG AVIOR ng Harbor Star Shipping habang katuwang ang BRP Malapascua (MRRV 4403) para sa seguridad ng operasyon.

Nauna nang sinabi ng PCG na gagamitin ang bangka bilang ebidensiya sa mga kasong maaaring isampa ukol sa banggaan.

Pinaniniwalaan na ang foreign oil tanker na Pacific Anna na may bandila sa Marshall Islands ang bumangga sa bangka na naging sanhi ng pagtaob ng Daryn boat.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter