Banta ng China na aarestuhin nila ang mga mangingisdang dadaan sa West PH Sea, dapat umanong idulog na sa UNCLOS

Banta ng China na aarestuhin nila ang mga mangingisdang dadaan sa West PH Sea, dapat umanong idulog na sa UNCLOS

PINAYUHAN ng isang retired Supreme Court justice ang pamahalaang Pilipinas na agad gumawa ng aksyon para harangin ang utos ng China na arestuhin ang mga mangingisda na papasok sa inaangkin nilang teritoryo.

Ipinaliwanag ni dating Supreme Court Associate Justice Francis Jardaleza na masyadong nakakabahala ang banta na ito ng China laban sa ating teritoryo.

Naniniwala si Jardeleza na ang pagdulog sa United Nation Convention of the Law of the Sea (UNCLOS) na lamang ang legal remedy ng Pilipinas para harangin ang banta na ito ng mga Chinese.

Kumbinsido ang dating Supreme Court justice na may magagawa pa ang UNCLOS sa gagawing pag-aresto ng China sa mga mangingisdang magtutungo sa West Philippine Sea.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter