NILINAW ng Department of Justice (DOJ) na isang proseso ng batas ang pag-surrender.
Ito ang dahilan kung bakit ipinanawagan ni DOJ Sec. Boying Remulla ang pag-surrender nina suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief General Gerald Bantag at BuCor Deputy Security Officer Ricardo Zulueta matapos sinampahan ng kaso hinggil sa Percy Lapid case.
Tiniyak pa nito, hangga’t hindi mapapatunayan, inosente pa rin ang mga nabanggit.
Naibahagi ni Remulla na sakaling mapatutunayang inosente si Bantag, hindi niya matitiyak kung may mababalikan pa ito na posisyon sa BuCor dahil nakadepende naman ito sa Appointing Committee o power ng bansa.
Samantala, tututukan na rin ng DOJ ang contraband trade na nangyayari sa New Bilibid Prison.
Kasunod ito sa maraming kontrabando tulad ng canned beers, laptops, iligal na droga at iba pa ang nakumpiska kamakailan ni BuCor OIC Gregorio Catapang Jr. mula sa nabanggit na kulungan.
Sa usapang pagtatayo ng super max prisons, kinakailangan ito ani Remulla dahil sobrang congested na rin ang New Bilibid Prison at maging ang iba pang kulungan.
Ikokonsidera lang muna rito ang pondo dahil mahal ang pagpapatayo ng super max prisons.