Imbestigasyon sa Percy Lapid case, magpapatuloy sa kabila ng pagtukoy kina Bantag at Zulueta bilang umano’y mastermind

Imbestigasyon sa Percy Lapid case, magpapatuloy sa kabila ng pagtukoy kina Bantag at Zulueta bilang umano’y mastermind

INILAHAD ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi pa maisasara ang imbestigasyon kaugnay ng Percy Lapid case.

Ito’y dahil hindi pa naman nakakausap ang lahat ng mga natukoy na mga suspek, middlemen at masterminds.

Paliwanag pa ng Chief Executive, kailangan ding malaman kung bakit at kung ano ang nangyayari sa loob ng New Bilibid Prison.

Mababatid na nasasangkot sa naturang kaso si suspended Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag.

Bukod kay Bantag, nasasangkot din si BuCor Deputy Security Officer (DSO) Ricardo Zulueta sa kasong may kaugnayan sa pagpatay kay Percy Lapid.

Samantala, nagpahayag naman ng pagkabahala si Pangulong Marcos dahil sa pagkadawit ng mismong hepe ng BuCor sa naturang kaso.

Follow SMNI NEWS in Twitter