Banwa Island sa Palawan, humakot ng maraming awards bilang isa sa mga “Best Destination” sa bansa

Banwa Island sa Palawan, humakot ng maraming awards bilang isa sa mga “Best Destination” sa bansa

NAKUHA ng Banwa Private Island sa Palawan ang “Private Island of the Year” award ng Destination Deluxe Awards 2023.

Ikatlong pagkakataon na ito ng Banwa Island na makuha ang nabanggit na award.

Maliban dito, nakuha rin ng isla ang “The Philippines’ Best Beach, Island, or Upcountry Resort” award ng Travel + Leisure Luxury Awards Asia Pacific 2023.

Kasali rin ito sa Robb Report ng “The 50 Greatest Luxury Hotels on Earth”.

Para kay Banwa Private Island Commercial Director Pamela Balce, mas aayusin pa nila ang kanilang serbisyo at lubos na pinasalamatan ang lahat na pagkilala sa kanila.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble