Barangay Ginebra, tinalo ang Rain or Shine sa elimination round

Barangay Ginebra, tinalo ang Rain or Shine sa elimination round

NASUNGKIT ng Barangay Ginebra ang tagumpay sa elimination round nang matalo nito ang Rain or Shine Elasto Painters sa iskor na 104-93 sa PBA Governors’ Cup.

Sa third quarter ng laro, ang iskor ay 77-73 ngunit nalampasan pa rin ng Ginebra ang Rain or Shine ng 31 puntos para ipanalo ang laro.

Samantala, nakapag-tala ng 25 points si Justin Brownlee, 10 rebounds, at 7 assists habang si Christian Standhardinger naman ay 20 points.

Kaugnay nito, may double performance naman si Scottie na may 15 points at 12 rebounds.

Nakakuha rin si Jeff Chan ng 15 points.

Samantala, ang Rain or Shine import na si Henry Walker ay nakakuha ng 34 points habang si Andrei Caracut at Beau Belga ay may tag-12 points kada isa.

Sa ngayon, ang Ginebra ay may 6 wins at 5 loses sa elimination round wrapped up habang ang Rain or Shine ay nagtapos sa tatlong panalo at walong talo.

 

Follow SMNI News on Twitter