Barbers sa publiko: Iwasan ang culture of hate ngayong eleksyon

Barbers sa publiko: Iwasan ang culture of hate ngayong eleksyon

PANAWAGAN ni Surigao Del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers sa publiko na iwasan ang culture of hate ngayong eleksyon.

Aminado si Representative Barbers na kaya lahat ng mga nasa gobyerno na pasayahin ang kanilang constituents.

Kaya panawagan nito, issue based lang dapat ang mga pagpuna at iwasan ang personalan.

“Pero minsan sumusobra. Bakit ko nasabing sumusobra? kita mo even in the tweets, sa mga facebook post sa mga instagram post puro personal eh. Sometimes they tend to call names no minsan may nakita nga ako masakit na yung sinasabi-bobo yung mga ganon na hindi naman dapat. Eh kasi magkakaroon ng culture of hate,”ayon kay Rep. Barbers.

Sa huli, payo nito sa publiko, huwag mawala ang respeto sa isa’t-isa dahil sa huli, tayong lahat ay mga Pilipino na may-iisang dugo, iisang bandila at layunin na umunlad ang bansa.

SMNI NEWS