Baril na ginamit ni Chao Tiao Yumol sa Ateneo, maingat na susuriin ng PNP

Baril na ginamit ni Chao Tiao Yumol sa Ateneo, maingat na susuriin ng PNP

MAINGAT na susuriin ng Philippine National Police (PNP) ang ulat hinggil sa may-ari ng dala-dalang baril ni Chao Tiao Yumol.

Sa inisyal na imbestigasyon, pagmamay-ari ng isang opisyal ng Philippine Army sa Mindanao ang dala-dalang baril ni Yumol ayon kay PNP director for operations PMGen. Val De Leon sa panayam ng SMNI News.

Sinabi naman ng naturang opisyal, 3 taon nang nawawala ang kanyang baril at para sa PNP, sisilipin nila ang records kaugnay dito kung totoo nga bang nawala o di kaya’y binenta.

Hinggil naman sa pamamaril na nangyari sa Lamitan, Basilan kung saan biktima ang ama ni Yumol, isa ang rido o clan war sa tinitingnang anggulo ng mga pulis.

Lalo pa’t ilang araw lang mula sa nangyaring Ateneo shooting ay naganap ang pamamaril sa Lamitan.

Follow SMNI NEWS in Twitter