Barko ng BFAR at PCG, nakaranas ng panibagong water cannon mula sa China Coast Guard sa Bajo de Masinloc

Barko ng BFAR at PCG, nakaranas ng panibagong water cannon mula sa China Coast Guard sa Bajo de Masinloc

MULI na namang binomba ng water cannon ng mga barko ng China ang ilang barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Nangyari ito sa Bajo de Masinloc kanina lamang alas sais ng umaga ng Miyerkules, Disyembre 4, 2024.

Nagsasagawa lamang ng isang routine maritime patrol ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nang salubungin sila ng water cannon ng ilang Chinese Coast Guard vessels CCG 5303, 3302, 3104, at People’s Liberation Army Navy vessels na may bow numbers 500 at 571.

Agad namang kinondena ng Philippine Coast Guard on West Philippine Sea ang tinuran ng Chinese Coast Guard.

Inaalam pa ang kabuuang pinsala na tinamo ng barko ng Pilipinas mula sa nasabing insidente.

Bagamat hindi na bago ang mga agresibong aksiyon ng China sa mga barko ng Pilipinas, patuloy rin ang apela ng bansa kaugnay sa paglabag ng China sa international law.

Taong 2016 nang magdesisyon ang Arbitral Tribunal kaugnay sa karapatan ng Pilipinas sa WPS pero patuloy rin ang paggiit ng China na kanila ang ilang isla na sentro ng agawan sa pagitan ilan pang karatig bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter