NANATILING low risk area ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa kabila ng banta ng Delta variants sa bansa.
Ayon kay Chief Minister Ahod Ebrahim, patuloy na bumababa ang naitatalang tinatamaan ng Coronavirus disease sa BARMM kung saan nanatili itong nasa low risk area.
‘’Total active cases 666 percentage ng recovery. Total recovery 9,350 or 89.8%. Ang percentage po ng death is 3.8% or 334. So, sa ngayon po ay 68 new cases at 39 new coveries at isa pong death. So, commulative confirmed cases po is 10,410. At 68 number of positive 383 number of individual tested today 18% positive,’’ayon kay Ebrahim.
Binigyang diin ng Chief minister na wala pang natra-trace na Delta variants sa rehiyon kaya’t nanatiling nasa low risk at bagamat nagpapatuloy na tumataas ang bilang ng Delta cases sa bansa.
Kasunod nito, sinabi ng Chief minister na naglaan ito ng P50-M para mag-procure ng mga oxygen tank para paghandaan ang posibleng surge ng Coronavirus. .
Ibinahagi naman ni Chief Ebrahim ang kanilang ginagawang pamamaraan upang palakasin ang testing at tracing capacity ng buong rehiyon.
“Sa ngayon po ay almost kuwan na kami, nasa 50-60% na po ang vaccination rate namin po sa buong rehiyon. So, we are continuing itong massive vaccination,”dagdag nito.
Sa ngayon, mayroong 235 na active cases ang Maguindanao, 234 sa Lanao del Sur, 5 sa Basilan, 7 sa Sulu habang 185 sa Cotabato City at sa Tawi-Tawi ay walang naitatalang active cases.