MISMONG Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang magbabayad sa pagpapagamot ng indigent dengue patients na naka-confine sa kanilang state-run hospitals.
Sa pahayag ng BARMM, katuwang nila sa programang ito ang ministry of health, provincial offices at government hospitals ng kanilang autonomous region.
Sa pinakalatest update, mahigit 100 na ang dengue cases na naiulat sa iba’t ibang probinsiya at tatlong component cities sa BARMM.
Kasabay rito ay inilunsad na rin ng BARMM ang isang awareness campaign laban sa dengue.