KINONTROL ng mga pulis ang basement ng Jose Maria College (JMC) sa KOJC compound na parang sila na ang batas.
Walang kahit sinong KOJC missionary o maging mga abogado ang pinapayagang makapasok.
Ayon sa KOJC missionaries, may naririnig silang pagbabarena sa nasabing basement, kaya’t napapatanong sila kung para saan ito.
Una nang sinabi ni Atty. Israelito Torreon na ang demand to surrender hindi lisensiya para sirain ang buhay at kalayaan at ari-arian ng ibang tao.