ANG Bastap, ay kilalang one-stop shop na matatagpuan sa bayan ng Carmen, Cebu. Isa ito sa mga paboritong lugar ng mga biyahero kung saan, nariyan ang:
– Bastap Café – para sa nais mag-relax at humigop ng hot o iced coffee.
– Bastap Bakery – para sa masarap at hinahanap-hanap na Bastap Otap, Rosquillos at bread & pastries nila.
– meron ding convenience store.
– ang Bastap Grill & Resto – para sa pinagsamang Larsian Barbeque, Larang, Sutokil at Paboritong Manok Bisaya.
Dito sa Bastap maraming mapagpipilian na naging trademark na ng mga Sugbuanon.
Kamakailan ay isinagawa ang ‘Suroy Suroy – The Best in the West’, na binubuo ng mga bayan ng Tabuelan, Tuburan, Asturias, Aloguinsan, Pinamungajan, Toledo City, at Balamban.
Naging bahagi rito ang Bastap sa Carmen, kung saan nag stopover dito ang mga bisita at turista na delegado ng Suroy Suroy Sugbo.
Mula Cebu, lampas sa dalawang oras ang biyahe nila patungong Tabuelan na kanilang unang destinasyon.
“Nagpapasalamat kami na nag stopover kami dito dahil kailangan naman talaga mag kwan, kasi galing pa kami sa Cebu tapos pupunta pa kami ng Tabuelan, kaya medyo malayo pa. Natuwa ang lahat na nag-stop kami dito sa Bastap Carmen,” ayon kay Eva Goyanko, Guest, Suroy Suroy Sugbo.
“Very informative. We learn a lot from them the history of Cebu,” ayon din sa isang delegado.
“(You are here in Bastap, anong gustong bilhin dito?) All the kinds of food…Bastap,” wika naman ng isa pang delegado.
Ang ilan nang tanungin kung pang ilang beses na sila sumali sa Suruy Suroy Sugbo:
“Very Nice! This is the first time.”
“7th time, review na ni, review,” ayon naman sa iba pang bisita.
Ang iba naman ay sarap na sarap sa Bastap Coffee at Larsian Taste Barbeque.
“Bastap Coffee, Lami Kaayo! … very refreshing and woke me up,” wika ng isang turista.
Araw-araw at oras oras dagsa ng mga biyahero ang Bastap.
Ayon sa tourism officer ng Carmen Cebu, Tobias Villamor, ang Bastap ay landmark na ng Carmen, Cebu.
”’Yong turismo kasi dito sa Carmen is really rising. We’ve been doing our best na talagang tataas ‘yong number of tourist arrivals. And then this Bastap is one of the top and signature tourist rest areas. For Carmen, this Bastap is like a signature for more than a decade na siguro. It is also good for the bastap na sila ‘yong napili for the stopover of the Suroy Suroy Best of the West,” saad ni Tobias Maximino Villamor, Tourism Officer, Carmen, Cebu.
Sa ngayon, ang Bastap ay pinoposisyon na hindi lang stopover ng mga pasahero, kundi maging isang tagpuan ng magkakaibigan, magbabarkada, mag-kakamag-anak o magkakapamilya.
“For the people na gusto mag-drop by sa Bastap, you can visit Bastap anytime of the day. And then you can have the coffee the biscuits and all the delicacies here,” dagdag ni Villamor.