Batang lalaking nahulog ng halos 100ft sa Grand Canyon sa Arizona, nakaligtas

Batang lalaking nahulog ng halos 100ft sa Grand Canyon sa Arizona, nakaligtas

NAKALIGTAS ang isang trese-anyos na batang lalaki matapos itong mahulog ng halos 100 feet o 30 meters sa sikat na Grand Canyon sa Arizona, USA.

Umabot ng dalawang oras bago nakuha ng mga rescuer ng Grand Canyon National Park ang nahulog na si Wyatt Kauffman na agad ding isinugod sa ospital dahil sa natamong malubhang sugat.

Kabilang sa mga sugat na natamo ni Wyatt ay siyam na broken vertebrae, isang ruptured spleen, isang baling kamay at isang collapsed lung.

Nagpasalamat naman ang ama ni Wyatt na si Brian Kauffman na nakauwi ang anak nang nakasakay sa front seat ng kanilang sasakyan at hindi nakalagay sa isang box.

Plano naman ngayon ng pamilya ni Wyatt na mag-road trip pauwi sa kanilang tahanan para mapalitan ang memories ng pagkahulog nito sa Grand Canyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble