NILINAW ng OCTA Research ang ibig sabihin ng military action sa kanilang naging survey na may kaugnayan sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Dr. Guido David sa panayam ng SMNI News, mas malawakang pagpapatrolya ang ibig sabihin nito sa WPS.
Sa survey ng OCTA Research, 70% ang pabor na idaan sa maayos o payapang paraan ang pagpapakita ng territorial rights ng Pilipinas sa WPS.
65% naman ang mas ninanais na gamitan na ng military action ang sitwasyon.
Mayroon ding 61% ang nagmumungkahi na palakasin at gawing moderno na ang militar ng Pilipinas para mas may kakayahan na itong protektahan ang teritoryo ng bansa gaya na lang sa WPS.