NAKATAKDANG dalhin sa Philippine National Police (PNP) Forensic Group ang bangkay ng batang nasawi sa pananampal ng isang guro sa Antipolo nitong nakaraang Setyembre 20, 2023.
Ito ay para makumpirma ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng 14-anyos na estudyante na kinilala na si Francis Jay Dumikib.
Ayon sa unang impormasyon ng pulisya, sinita diumano ng titser ang batang estudyante dahil sa sobrang pag-iingay sa loob ng silid-aralan na humantong sa pananampal ng guro sa estudyante.
Pagkatapos ng insidente, nakaramdam diumano ng pananakit ng ulo at tainga ang estudyante kaya ito ay isinugod sa pagamutan at doon nga ay na-comatose na at kalauna’y namatay rin ang bata.